Blog Archives

The Queen of Talk, KRIS AQUINO returns to daily talk show starting June 27. (KrisTV)

The Queen of Talk is Back! Kris Aquino returns to TV on a New ABSCBN’s daily talk show, KrisTV. The talk show is set to air everyday at 9:30 AM starting Monday, June 27, 2011.

Kris Aquino tweeted that “Kris TV” will be the 2011 re-boot of her previous talk show “Today with Kris Aquino,” which is said to be the first interactive talk show in the country. The said program was also Kris Aquino‘s very first project on ABS-CBN after her transfer from other network.

WATCH THE TEASER HERE:

http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=

ONE WORD: EXCITING!
_______________________________________

Advertisements

FULL TRANSCRIPT OF KRIS AQUINO INTERVIEW

Without further ado, here goes:

Boy Abunda: One of the interviews sa mga laywer, may na-mention na may posibilidad na ang inyong marriage ay null and void to begin with. Ano ang iyong take?

Kris Aquino: Probably because the premise kung paano siya nagsimula na hindi ko inamin sa pamilya ko right away, part of destiny yan. Kasi siguro kung kumpiyansa ako na it would really be okay and all, hindi na tayo nagtago sa bahay both. (Laughs) Siguro regalo na yan ng tadhana sa aming dalawa.

I don’t, Boy, I have to sit down with the lawyers. I have to see the papers. It has to go through the process in court. But kung totoo yan at may mga requiremetns kami na hindi na-fulfill at yong technicality nandoon at maru-rule nga ng korte na null and void to begin with, maybe it’s really a lesson for me. No matter how I try to avoid it, and no matter how much my family tried to accept James, if ever, Boy, in the future, and I’m saying malayong future ito ha, sisiguraduhin kong I’ll do correctly this time. Wala ng patago-tago pa.

Boy: Two things, Krissy. Bago ka umalis, siyempre ito’y patuloy na pinag-uusapan ng bayan. Itong paghihiwalay ninyo ni James. Even before you left, he made a declaration na, ‘Ipaglalaban ko ang pagbuo ng aking pamilya…. napakahirap na desisyon ito, napakahirap ng aming kinalalagyan dahil nangako ako sa Mommy, former president Cory, na gagawin ko ang lahat para mabuo ang aking pamilya.’ At ito po ang tanong ng sambayanan na ikaw lamang ang makakasagot, bakit kayo naghiwalay o better yet bakit ka nagdesisyon na humiwalay sa iyong asawa na si James.

Kris: First of all, I would like to make a request kay James. Mom was so good to you. Huwag mo nang idamay ang mom. Nakikiusap ako. Kasi nananahimik na ang mom sa langit. If you also love mom, don’t bring her into this.

Pangalawa, I tried my best to not give the reasons and you know that Boy. Kasi nakiusap ang mga kapatid ko, ‘Krissy, no washing of dirty linen in public.’ At tinupad ko yon. But I also told my sisters ang hirap naman na magmukha akong wicked witch na merong lalaki na sabi ng sabi na gusto niyang makabuo ng pamilya tapos ito ako parang nagmamatigas na ayaw ko na. So, sinabi ko sa mga kapatid ko, ‘Okay lang ba na sabihin ko na three and a half years kong sinubukan?’ Alam naman ng lahat, Boy, kung ano ang binato sa amin along the way. Alam din ni James kung ano ang mga naging kasalanan niya. In the same way na alam ko kung ano ang mga naging kasalanan ko. Pero siguro, I gave it my best and I have no bitterness in my heart. Walang halong ka-plastikan yan. Hindi ko sinasabi yan para maging mabango ang tingin ng tao sa akin. Pero kung sasabihin ko kasi… May notes ako okay lang? Ayoko kasing maging emotional.

Pasensiya na ha kasi alam mo na I deal with feelings through songs. And then it just so happened na album ni KC (Concepcion), yong aka Kassandra, she had a beautiful version, for me the best. The song’s ‘It must have been in love.’ Yong lyrics nito sums up exactly how I feel.

It must have been love, but it’s over now
It must have been good, but I lost it somehow
It must have been love, but it’s over now
From the moment we touched till the time had run out

Naubos. Naubos ang kagustuhan ko to make it work. I was miserable. I’m sure, ito I’ll address this to James, huwag kang mahiyang sabihin na pati ikaw miserable.

CLOSURE

Kris: Alam ko siguro na maraming naga-advice sa kanya kung ano ang mga dapat niyang sabihin and I respect that kasi ako ito ang trabaho ko sa alam ko how to deal with it. Pero magpakatotoo na tayong dalawa. Ang tagal na nating hindi maligaya sa piling ng isa’t isa. Ang tagal na nating co-existing in one house but having no communication. Matagal na kung nag-uusap man tayo, nagsisigawan lang tayo.

At sana aminin mo na sa mga tao na bago ako umalis, kaya nga hindi ako humarap sa kahit sinong camera, pinagbigyan ko siya, Boy. Dalawang oras kaming nag-usap sa bahay. For me, that was my closure.

Boy: Sandali lamang, before you left for this vacation?

Kris: Yes, he was there because he wanted to say goodbye to Bimbi (Baby James) and then he said, ‘Puwede ba tayong mag-usap?’

Boy: Harapan?

Kris: Harapan, yes. And alam niya.

Boy: Ano ang inyong pinag-usapan?

Kris: Sa aming dalawa na yon.

Boy: Ah all right.

Kris: Ang pinakamalaga is alam niya at alam ko why this marriage ended. Alam din niya kung saan siya nagkulang kasi may mga tinext siya sa akin while I was abroad saying na he realizes where he went wrong. But I said it’s really too late.

And then, it ended because napagod na ako pretending that everything was okay. Mahirap gawin yon talaga in the midst of campaign where my marital status could have been used against my brother. Mahirap yon kasi mga kapatid ko we’re really trying to help us save it. At mahirap dahil 3 years old lang ang anak ko.

But the truth is, and James knows this also, we stopped loving each other a long time ago. I’m honest enough to admit it. I wish he could be honest enough to also admit it.

Masyado kaming maraming pagkakaiba sa personalidad na umabot sa point na I’m sure James wants to be James, I want to be Kris. So, yon lang.

INFIDELITY

Boy: Krissy, sana tanggapin ninyong dalawa, sabi mo nga na matagal nang you stopped loving each other, how long ago was this?

Kris: Ako? (Long pause) I acknowledged in my heart naubos talaga yong love April 26 of this year. May nasabi siya sa anak ko, which I will forever keep between the 2 of us. May nasabi siya sa galit namin sa isa’t isa siguro noong panahon na yon na nasaktan talaga ako. At nagpatunay talaga sa akin na this is not the man for me, this is not the man I want to stay with because dinadamay na niya ang 3 years old na bata na dapat protektahan nating dalawa.

Boy: That was the moment na sinabi mo it’s over?

Kris: Di ba may kasabihan tayo the straw that broke the camel’s back? For me, that was it. The love was dying for a very long time, but siyempre Boy, you’ll try. Susubukan mo talaga.

Boy: And you did try, Krissy?

Kris: Diyos ko naman, nambabae pinatawad ko. Ito talaga hindi ko kinaya.

Boy: Mapangahas na tanong. Three and a half years ago, nangyari ang iskandalong may kinalaman si Hope (Centeno), na-resolve ninyo ba ito?

Kris: Never. Of course to all of you, I said yes, di ba? Siyempre Boy, kahihiyan ko yon. Parang pinamukha sa akin na you’re not good enough, kailangan kong maghanap ng iba. So, in my mind and to present to everybody, siyempre gagawin ko na pipilitin ko na wala na yon, napatawad ko na, nakalimutan ko na, pinaniniwalaan ko siya. But the truth is, any woman who is in a relationship, whether boyfriend or girlfriend, whether kinasal kayo, once my infidelity, ang hirap lagpasan noon.

And alam mo, Boy, it goes both ways eh. Kasi magtra-trabaho ako, magkaka-leading man, ibabato sa akin na, ‘O yan, makikipaghalikan ka diyan para mabawian ako.’ Alam mo yong ganoon? Parang he’s expecting the other shoe to drop. Hindi ko inaangat ang sarili ko sa bangko o whatever, but you know me, I’m crazy loyal.

Yon talaga ako. Pag meron na at pag may commitment ako, single minded ako. So, I can honestly say in the 5 years na nagsama kami hindi ako nagloko. I don’t think he can say the same thing.

Boy: Sa limang taon na kayong dalawa ay nagsama, naging loyal ka sa asawa mo?

Kris: Of course!

Boy: Sa limang taon na nagsama kayo ni James, naging loyal ba siya sa’yo?

Kris: Obvious ba, hindi.

MOVING ON

Boy: Umalis ka papunta sa Amerika para magbakasyon. Tumahimik ka, maraming tao ang na-surprise. Pero dumami ang ispekulasyon. Ang mga speculations na naghiwalay si Kris Aquino at si James di umano dahil may nabuntis si James. Ito ba ay totoo o hindi?

Kris: Siyempre, I’ll be the last to know. (Laughs) Kung meron man, kung meron man siyang dina-date ngayon, you honestly think na ite-text niya, ‘Uy Kris, ka-date ko si ano kagabi ha.’ Di ba? Malay ko. And okay lang.

Boy: Nabigla ako doon? (Laughs)

Kris: Why? Okay like this, my Ate (Ballsy) mentioned na napapabalitaan he’s dating somebody already and then I think my Ate was testing the waters with me. And I said, ‘Good.’ Yon talaga. Yon ang opinion kasi we don’t live under one roof anymore so it’s his right. And it will make much easier for the entire country to move on.

Boy: Krissy, how do you react when people say, ‘sana bigyan pa nila ng pagkakataon ang kanilang mga sarili alang-alang sa bata.’ or ‘I hope they can still fight and fix things together as a couple.’ Because that’s the common reaction.

Kris: Kung masama akong ina at alam kong hindi ako iprio-priotize si Baby James, then maybe I would try. But I know in my heart, say what you want to say about me, pero mabuti akong ina, Boy. I think if you look at my children, you’ll know.

They’re happy, they’re well-adjusted, they’re cared for. That’s what matters to me.

FAMILY SUPPORT

Boy: Sa usapin na iyong marriage, nasaan ang iyong pamilya, nasaan ang iyong mga kapatid?

Kris: Feeling ata nila 16 years old ako ulit. Kasi ang mga sisters ko sinabi, si Pinky, she’s the most vocal. So, she told me, ‘Krissy, Ate is just too mabait and she’ll sugarcoat everything so I have to be the bad guy. Please, kung kaya, in the next six years, huwag ka munang mag-boyfriend.’ (Laughs). So, sabi ko. ‘Ah, ok.’ Sinabi ni Pinky na, ‘Fame enough ang hirap nang makahanap ng totoo sa’yo. What more kapatid ko si P-Noy?’ And then sinabi pa niya,’Bigyan mo naman si Noy ng chance na mag-succeed without stress from you.’

Boy: And you said?

Kris: (Laughs) Sabi ko, ‘I’ll try.’ (Laughs)

Boy: I think what people want to know, suportado ka ba ng iyong pamilya? Naiintindihan ka ba?

Kris: They’ve seen the journey. And one thing about me is that I’m vocal so they know. And may sisters acknowledged the fact na bilib sila kung paano ko nadala. At the peak of the campaign, na ganoon ka-bigat ang inuuwian ko. Nadala ko yon na walang nakahalata.

Kung hindi nangyari ang Cebu, Boy, lahat kayo until now walang alam. Kasi nga nagawa ko na itahimik because I did it for them and they know that.

Boy: Naalala ng sambayanan, in one interview of James, I mean ang ikli lang ng kanyang deklarasyon, noong sinabi niya na noong nagkaroon kayo ng deperensiya he went to your brother. At ang sabi ni President, ‘stay put.’ What was that about?

Kris: I was not there. But I’ve said everything to P. Noy. Lahat. And at the end of the day, Boy, the most protective over me and over my kids will always be my brother because that’s the promise he made to our mom. So, kung nakikita ni Noy at narinig ni Noy derecho galing sa akin, lahat ng pinagdaanan at sumuko ako, although talagang siya sinasabi niya, noon, na set aside your own interests kasi kawawa ang mga bata. Pero noong naintindihan na niya ako, siyempre hindi sila natutuwa. Sino ba naman ang matutuwa na ito na naman si Kris na hiwalay na naman. Pero tanggap na nila Boy. I feel that . They know it’s my life. And Noy said as much, ‘It’s your life. We’re only here to guide you, to help you. Pero sana Kristina lessons learned.’ Yon lang ang sinabi sa akin.

Boy: Pinky, Ate, Viel, in the beginning, did they understand where you were coming from? At nasaan sila ngayon?

Kris: They’ve always understood. Ang fear lang nila public opinion. Why? Because public opinion of me will determine how comfortable my sons will be. It’s a fact. I don’t work in a bank. I don’t work in a private industry. Kung ano ang tingin ng publiko sa akin will be equated kung sa ano ang kikitain ko. At ako ang magpapalaki sa dalawa. Responsibilidad ko yon. Lalo na si Josh. I think more than anything, si Josh ang inaalala nila. Siyempre kung hindi magustuhan ng tao ang decision ko at hindi na ako panoorin at hindi na tangkilikin ang mga ini-endorse ko, what happens to us. And they were afraid for my children. But I think, they know I’ve behaved, Boy. I think nakita nila I’ve been prudent and to the best of my ability naging tahimik ako.

Kung sasabihin ng lahat, ‘Naku, umuwi yan para magpasabog.’ Hindi po. Nagsasalita lang ako dahil ang dami ninyong inimbento tungkol sa akin. So, it’s about time for you to hear it straight from me.

INCOMPATIBLE

Boy: And you know what people would say Kris is the domineering wife, Kris is the intelligent one, Kris is a stronger character. When you hear these things….

Kris: It’s true. Alam mo Boy, that’s the good thing about my family. Lalo na si Pinky at si Viel, they would say it like it is. De-deretsahin nila ako. Ang sinabi nila sa akin was that everything that has made you a success sa career mo, that single-minded, the leadership skills, decision making ano talaga firm, those are the things that will make it impossible to have a successful marriage. Why? Dahil ang Pilipinas is still male dominated. Dahil sa country natin talaga, hindi pa din equal pag kasal kayo. And tama sila. Siyempre, I was in love and I didn’t realize all of that. I didn’t take into consideration our age gap, I didn’t take into consideration the difference in upbringing, education, likes and dislikes kasi I was in love. So, now na pinagdaanan na namin lahat yon, get ko na.

Boy: But it’s not to say you didn’t adjust.

Kris: I tried. But then yong naiintidihan ko din ngayon. Kasi before when I used to question na, ‘Bakit kinailangan mambabae?’ Ngayon, nare-realize ko kasi nga siguro minsan kailangan mong maramdaman na ikaw ang hari. And I understand. And I’ve moved on.
Boy: Did you give him time?

Kris: Matagal ha. Matagal kaming… in all fairness, he also tried. I grant that to him, but I guess, Boy, alam mo yong parang I think I came at a time when I did some good in his life. I think I helped give him direction and focus. And he came at a a time when I needed stability. And he gave me Baby James.

Bali-baliktarin natin, balikan natin, kung isusuma tutal natin lahat ng iniyak ko, lahat ng iniyak niya, lahat ng pinag-awayan namin, ang suma tutal niyan is nagkaroon kami ng Bimbi. At burado na lahat ng sama ng loob dahil kay Bimbi.

TRANSCRIPT OF KRIS AQUINO INTERVIEW WITH SHALANI SOLEDAD

Here is the Full transcript of May 23, 2010 The BUZZ interview of Kris Aquino to Shalani Soledad, girlfriend of Senator/Incoming President Benigno Aquino III


Kris (K): Umpisahan natin from the very, very beginning. April 27, 1980, ‘yon ang birthday mo. Ano ang type of family ‘yong nakagisnan mo?
Shalani (S): Close ako sa mga relatives ko. Uncle ko, tita ko, cousins ko and lalo na sa brother ko.

K: How many years older sa’yo ang brother mo?
S: Three years. I’m the youngest. Dalawa lang kami.

K: Nabanggit mo lahat ng mga relatives, hindi mo na-mention ang mommy mo.
S: Because was my mom was working abroad for almost 20 years. Tapos once a year lang siya umuuwi like 2 months.

K: Saan siya nagwo-work?
S: ‘Yong last ni mommy was in Kuwait.

K: Middle East.
S: Yes.

K: Naka-ilang years siya doon?
S: Sa Middle East, almost 20 years.

K: So, sino ang nag-alaga talaga sa iyo?
S: Lolo and lola ko sa mother side ko.

K: You can choose to answer this or not pero saan ‘yong father along the way?
S: Hiwalay kasi sila ng mommy ko. Since I was small, hiwalay na sila.

K: Did you know him at least or did you have a relationship?
S: There was really no relationship but yes, I know him. Kasi magkaaway sila ng mommy ko.

K: Were you a good student?
S: Average. I was not on the top.

K: Anong hilig mo? Like high school, doon ka magjo-join ng kung anu-anong mga club, groups?
S: My club was religious club. (Laughs). Kami ‘yong taga-dasal, actually. Praying plus teaching the younger class ng mga Bible stories. And drama club, actually.

K: Punta na tayo sa college.
S: College, I took up human resource management at CSE. I still have my PE class, actually.

K: Bakit hindi mo ginawa ang PE?
S: Because I ran for councilor already so naiwan. Hindi ko na nabalikan.
Public service

K: Saan nanggaling ang hilig sa pulitika?
S: I guess, it’s my love for people. Kasi ‘yong mom ko lahat sila into government service pero walang elective post. Ako ‘yong first sa family namin to have an elective post.

K: Why did you feel na ito ‘yong tamang landas na tahakin mo?
S: Dito ko naramdaman ‘yong sinasabi nilang fulfillment. Meron pala ‘yon. Dati akala ko showbiz at cliche pag sinasabi na may sense of fulfillment… Kasi in spite of hirap, ‘yong pagod, kapag nakikita mong nakakatulong ka and people appreciate that; pag nag-tha-thank you sa’yo, ang sarap sarap ng feeling.

K: You did work for Senator Lacson?
S: During 2002-2003.

K: Was he a senator then? Pero hindi pa kayo nagtagpo ng landas ni Noy kasi 2007 siya na-elect na senator?
S: Yes.

Love story
K: Ito na ang gustong marinig ng lahat, paano ba kayo nag-meet?
S: ‘Yong first was during 2005. I was then with UNTelevision. I was covering 2005 SONA. Reporter. We did that interview with Noy. My question was it was not something about the SONA, it was something about you. So, ang sabi ni Noy, ‘My sister is old enough to answer those questions.’

K: Pero kailan kayo nagkakilala ulit?
S: 2008. Alfredo’s. Kasama ko ang vice mayor ko and then at the same time nandoon din sina Noy and then afterwards nagpa-picture kami kay Noy.

K: And then?
S: Sabi ni Noy, ‘I am the chair of the local government committee. Baka mayroon kayong amendments na you would want to introduce. Let me know.’

K: Binigay niya ‘yong number niya sa’yo?
S: Hindi, kinuha nila ang numbers namin. Across Alfredo’s, merong coffee house so nauna sina Noy. So after a few minutes, nag-ring ‘yong phone ng vice mayor namin, ini-invite daw kami ni Noy mag-coffee. (Laughs)

K: I’m sure hindi naman si vice mayor ang gusto niyang maka-kape. Tapos?
S: That time, nag-cross kami. When we got there, nandoon ‘yong staff niya.

K: And you realize now that Noy doesn’t even drink coffee?
S: Yes.

K: Tumabi ka naman sa kanya?
S: No, we were seated across and then kinukwento niya na 20 years ago na mayroong coup tapos 3 of his PSGs were gunned down. Sabi niya it’s a miracle na nabuhay daw siya. So, sabi ko naman sa kanya na, “Senator, baka hindi mo pa talaga time.’ Ang sabi niya, ‘Oo nga, dahil 20 years after makikilala pala kita.’

K: Kadiri ha, Noy. Gross. (Laughs). Hindi ko kaya! I thought I was the baduy one in the family. Kinabog ako ni Noy sa linyang ‘yon. Do you remember what day it was? ‘Yong exact date?
S: Yes. July 28.

K: Ano ‘yong first date ninyo? Alam ko nanood kayo ng movie ni KC (Concepcion) at ni Richard Gutierrez? For the First Time?
S: Yes.

K: Movie ko na nga sapilitan pang manood ‘yon. So, sinamahan ka niyang manood?
S: Oo. Pero first and last na daw ‘yon.

K: May anniversary ba kayo?
S: Yes. Sept. 5, [2008].

K: What were the signs na ito na, this is it?
S: Kinikilig ako. With Noy, from previous relationships, parang na-realize mo na kung ano ang gusto mo. And you would want someone na honest sa’yo, ‘yong totoo, ‘yong hindi ka binobola lang.

K: One year, 8 months na kayo. Matagal na ‘yon ha for Noy. (Laughs).

Meeting the family
K: Anong na-feel mo noong una mo kaming nakilala?
S: Si Noy afterwards, tinatanong niya ako, ‘So, how was it?’ Ang tinatanong niya more on sa mommy ninyo. So, sabi ko, ‘Noy, actually na-starstruck ako hindi sa mommy mo, kay Kris.’ So, tawa lang siya ng tawa.

K: Kailan bago mo siya pinakilala sa mommy mo?
S: Si Noy kasi nanliligaw pumupunta siya sa bahay.

K: Hindi ba nag-alangan ang mommy mo na halos ka-edad niya si Noy?
S: Ang apprehension ng mommy ko was… sinasabi niya sa akin ‘to na, ‘Anak, senator yan nakakasama ninyo.’ Kasi baka we seemed to forget daw na dahil nakakasama namin si Noy, almost every night kasama naming mag-dinner out. Sabi ng mom ko, ‘Anak, hindi tayo mayaman. Baka hanapan ka or singilin ka.’ Baka daw api-apihin ako. Sabi ng mommy ko.

K: Me?
S: No naman. Sabi ng mom ko, ‘You know, Noy being an Aquino. Very prominent ang family.’

K: I hate to bring this up because it means I know too much but noong time na medyo my mom was nearly dying na, I think you went through a rocky point of your relationship. Tama ba ako? Nahirapan ka bang ilagay ang sarili mo kung saan ka dapat ilalagay?
S: In a way. Because siyempre alam ko na masakit kay Noy. At the same time, I wanted to be there for him pero…

K: Paano mo titimbangin kung saan ka lu-lugar?
S:Yes.

K: Para at least finally na-tackle at alam na ng buong mundo. Di ba kaya ako nagalit sa’yo kasi dinedma mo si Noy? The way I heard the story parang 8 hours siyang nagtext at nag-miss call tapos parang ang tagal bago ka naka-reply.
S: No. Walang 8 hours. Matagal na siguro 1 hour and a half pero wala namang 8 hours.

K: Pero do you also realize na he’s also the type na minsan ite-text mo and then 14 hours or 24 hours ang sagot?
S: Si Noy?

K: Oo, sa akin. Sa’yo, hindi naman?
S: Nagre-reply.

K: Iba ang girlfriend, iba ang sister.

Deep commitment
K: Doon na tayo sa nag-iba na. Yong tumakbo sa presidency that’s why sinabi ko ‘yon sa The Buzz. Sinabi ko na appreciative kami kasi marami kang napuntahan na mismo kami hindi na namin napuntahan at nagawa sa kanya. Kung tatanungin kita, why did you do it?
S: I believe in him, No. 1. And second I wanted to be of help also to Noy.

K: Pero, thoughtful naman siya as far as being a boyfriend is concerned?
S: Thoughtful si Noy in a sense na sa birthdays, special occassions at kung ano ang nagiging need mo, ina-anticipate na niya.

K: Anong stage na kayo sa relationship ninyo?
S: It’s a deep commitment pero at this point kasi parang napakalaki noong task na haharapin ni Noy. So, ang focus talaga should be on the task ahead of him kasi ang hirap.

K: Tatanunging kita, 30 ka ngayon. Are you ready to wait 6 years?
S: I hope.

K: Kasi ilang times na inulit na ni Noy na within his term na parang hindi niya nakikita na he would be settling down. Na-hurt ka ba noong narinig mo ‘yon?

S: In a way. Siyempre ako I’m looking forward kasi when you’re in a relationship you’re looking forward long term. Since mahal mo you would support what he wants and what he needs.

K: Hindi mo naisip ‘yon na baka sa kakahintay mo, hindi kayo magka-baby, hindi kayo magka-family nang sa inyo?
S: Ako kasi I just pray. Kasi when you are in a relationship you just hope na it would be better. Siyempre, long term, di ba? Let’s see. Kasi hangga’t mahal mo ang tao, maghihintay ka.
Cool-off?

K: May nag-tweet sa amin sa SNN so kailangan kong tanungin ito. Totoo bang nag-cool off si Shalani at si president Noy
S: No.

K: Pag nagtatampuhan, may moments na walang pansinan?
S: Meron.

K: Ilang days ‘yon?
S: Pinakamatagal, 3-4 days.

K: Sinong nagma-make ng move, siya o ikaw? O take turns?
S: Take turns.

K: The last tampuhan, who made the first move?
S: Ako, kasi kasalanan ko.

K: Mabilis mong makuha ang lambing? Pagmagso-sorry, hindi naman pakipot?

S: Si Noy kasi may mood siya na very sweet, may mood din siya na medyo mataray. Like one time, this was during the campaign, I called him up then he answered sabi niya, ‘Why?’ Sabi ko, ‘Wala naman Noy, nami-miss lang kita.’ Sabi ni Noy, ‘You called me just to tell me that? I’m in a middle of conversation here.’ Yan, ganyan siya. (Laughs)

K: Hurt-hurt-an ka doon.
S: Opo.

For the First Time
K: May love song ba kayo?
S: For the First Time.

K: Anong pwede mong sabihin kay Noy na pwede mong i-share sa buong Pilipinas?
S: Congratulations, of course. And whatever happens siguro, it’s a very hard time siguro right now because ang daming magiging adjustments. Both sa relationship natin or relationships mo with your family and other people. Nandito lang ako. I hope you really, really appreciate how much people love you. And siyempre kay Noy, super love kita.

K: Nagi-I love you ka ba on the daily basis?
S: Not everyday.

K: Sa text?
S: Yes.

K: Ano ‘yong sa text? Love yah? (Laughs)
S: Complete na I love you with smiley.

FULL EXCERPT OF KRIS AQUINO STATEMENT

A Lot has been tackling about Kris Aquino statement related to the if and then consequences should Senator Benigno Aquino wins the presidential Aquino. Everyone has, not only opinion but divided preferences as to how they will react to make statement, fun or make out of something from the scene. Kris Aquino allegedly mentioned that If Noynoy wins she will leave the country. Full context of the story is that people already maligned TV/Movie Actress/host regarding what she said. for your own pleasure, here are the excerpts of what she told in one of the episode of THEBUZZ.
.

“I had dinner with Noynoy tonight after his TVC shoot. He told me di raw ba kami pwede na may quiet Sunday kami? And he asked why siya nadamay when he’s not even part of The Buzz. I would like to extend a loving hug to Ruffa. I viewed the tape and although I still feel I gave my comment with affection, maybe it made her feel even worse because she is now moving in a new direction. We had what I believed was a good working relationship in the almost two years we were together on The Buzz.

“I can also understand that Ruffa’s mom dislikes Noynoy and my family, maybe because of association and vocal proclamation of admiration for Dingdong (Dantes) and his selfless contribution to help Noy’s presidential bid. It is also with Ruffa that I enjoyed a healthy working relationship with and I only have good words to say about her.

“To Ruffa, I sincerely apologize for causing you hurt. My brother Noynoy would like to add that we live in a democracy—one where every one is free to make our own choice for president. This text came from my sister Pinky—tomorrow is Women’s Day. For your information, it was my mom who passed laws making this possible (Proc. No. 224 and 227, both signed in March 88) and RA 6949 (signed April 1990, declares Mrch 8 as National Women’s Day). We celebrate women who triumphed despite odds and need to look at ways to further improve. That’s why I want Ruffa to have a great career ahead of her—because she is a woman raising two beautiful daughters. And I champion all women who triumph despite the odds—just like my own mom.

“Noy told me in any election we’ll have our share of fervent supporters and harshest critics. And if you can’t take the heat then politics isn’t for you. As a woman and as Ruffa’s mom and the lola of Lorin and Venice, I respect you Tita Annabelle and on behalf of our family I apologize for the distress we caused yours. Hindi po ako mayabang, kaya ako nagpapakumbaba ngayon.

“On a last note, I promised Noy that if he does win and I’m a cause of stress for him and his presidency, I’ll gladly take my two boys and live anywhere there is TFC so that I can continue my work but with our overseas Filipino brothers and sisters. Of course, Noy said—dinner daw yun hindi teleserye ko. I love my family and I’m so grateful to have such a supportive and grounded brother and sisters who have learned to love me for all that I am. Thank you for your time and may God bless all of us with a peaceful week ahead.”

What exactly Kris Aquino said is that she will only leave the country if she will be the cause of stress of Senator Noynoy’s presidency”. I dont think there is a need to elaborate more on that.

Sometimes its hard to tell the people the truth or what seems to be acceptable to them. but I hope people who commented or those who make fun of Kris Aquino should start checking first the real source of the issue before jumping to their own certain conclusion. It gives more reason for others to believe that these people only wants tsismis, and not information.

And it doesnt follow that when a person is a celebrity and has a public life, she deserved to be punished by prejudice and impartial public opinion. We should know how to respect. Come on.

%d bloggers like this: