FULL TRANSCRIPT OF KRIS AQUINO INTERVIEW

Without further ado, here goes:

Boy Abunda: One of the interviews sa mga laywer, may na-mention na may posibilidad na ang inyong marriage ay null and void to begin with. Ano ang iyong take?

Kris Aquino: Probably because the premise kung paano siya nagsimula na hindi ko inamin sa pamilya ko right away, part of destiny yan. Kasi siguro kung kumpiyansa ako na it would really be okay and all, hindi na tayo nagtago sa bahay both. (Laughs) Siguro regalo na yan ng tadhana sa aming dalawa.

I don’t, Boy, I have to sit down with the lawyers. I have to see the papers. It has to go through the process in court. But kung totoo yan at may mga requiremetns kami na hindi na-fulfill at yong technicality nandoon at maru-rule nga ng korte na null and void to begin with, maybe it’s really a lesson for me. No matter how I try to avoid it, and no matter how much my family tried to accept James, if ever, Boy, in the future, and I’m saying malayong future ito ha, sisiguraduhin kong I’ll do correctly this time. Wala ng patago-tago pa.

Boy: Two things, Krissy. Bago ka umalis, siyempre ito’y patuloy na pinag-uusapan ng bayan. Itong paghihiwalay ninyo ni James. Even before you left, he made a declaration na, ‘Ipaglalaban ko ang pagbuo ng aking pamilya…. napakahirap na desisyon ito, napakahirap ng aming kinalalagyan dahil nangako ako sa Mommy, former president Cory, na gagawin ko ang lahat para mabuo ang aking pamilya.’ At ito po ang tanong ng sambayanan na ikaw lamang ang makakasagot, bakit kayo naghiwalay o better yet bakit ka nagdesisyon na humiwalay sa iyong asawa na si James.

Kris: First of all, I would like to make a request kay James. Mom was so good to you. Huwag mo nang idamay ang mom. Nakikiusap ako. Kasi nananahimik na ang mom sa langit. If you also love mom, don’t bring her into this.

Pangalawa, I tried my best to not give the reasons and you know that Boy. Kasi nakiusap ang mga kapatid ko, ‘Krissy, no washing of dirty linen in public.’ At tinupad ko yon. But I also told my sisters ang hirap naman na magmukha akong wicked witch na merong lalaki na sabi ng sabi na gusto niyang makabuo ng pamilya tapos ito ako parang nagmamatigas na ayaw ko na. So, sinabi ko sa mga kapatid ko, ‘Okay lang ba na sabihin ko na three and a half years kong sinubukan?’ Alam naman ng lahat, Boy, kung ano ang binato sa amin along the way. Alam din ni James kung ano ang mga naging kasalanan niya. In the same way na alam ko kung ano ang mga naging kasalanan ko. Pero siguro, I gave it my best and I have no bitterness in my heart. Walang halong ka-plastikan yan. Hindi ko sinasabi yan para maging mabango ang tingin ng tao sa akin. Pero kung sasabihin ko kasi… May notes ako okay lang? Ayoko kasing maging emotional.

Pasensiya na ha kasi alam mo na I deal with feelings through songs. And then it just so happened na album ni KC (Concepcion), yong aka Kassandra, she had a beautiful version, for me the best. The song’s ‘It must have been in love.’ Yong lyrics nito sums up exactly how I feel.

It must have been love, but it’s over now
It must have been good, but I lost it somehow
It must have been love, but it’s over now
From the moment we touched till the time had run out

Naubos. Naubos ang kagustuhan ko to make it work. I was miserable. I’m sure, ito I’ll address this to James, huwag kang mahiyang sabihin na pati ikaw miserable.

CLOSURE

Kris: Alam ko siguro na maraming naga-advice sa kanya kung ano ang mga dapat niyang sabihin and I respect that kasi ako ito ang trabaho ko sa alam ko how to deal with it. Pero magpakatotoo na tayong dalawa. Ang tagal na nating hindi maligaya sa piling ng isa’t isa. Ang tagal na nating co-existing in one house but having no communication. Matagal na kung nag-uusap man tayo, nagsisigawan lang tayo.

At sana aminin mo na sa mga tao na bago ako umalis, kaya nga hindi ako humarap sa kahit sinong camera, pinagbigyan ko siya, Boy. Dalawang oras kaming nag-usap sa bahay. For me, that was my closure.

Boy: Sandali lamang, before you left for this vacation?

Kris: Yes, he was there because he wanted to say goodbye to Bimbi (Baby James) and then he said, ‘Puwede ba tayong mag-usap?’

Boy: Harapan?

Kris: Harapan, yes. And alam niya.

Boy: Ano ang inyong pinag-usapan?

Kris: Sa aming dalawa na yon.

Boy: Ah all right.

Kris: Ang pinakamalaga is alam niya at alam ko why this marriage ended. Alam din niya kung saan siya nagkulang kasi may mga tinext siya sa akin while I was abroad saying na he realizes where he went wrong. But I said it’s really too late.

And then, it ended because napagod na ako pretending that everything was okay. Mahirap gawin yon talaga in the midst of campaign where my marital status could have been used against my brother. Mahirap yon kasi mga kapatid ko we’re really trying to help us save it. At mahirap dahil 3 years old lang ang anak ko.

But the truth is, and James knows this also, we stopped loving each other a long time ago. I’m honest enough to admit it. I wish he could be honest enough to also admit it.

Masyado kaming maraming pagkakaiba sa personalidad na umabot sa point na I’m sure James wants to be James, I want to be Kris. So, yon lang.

INFIDELITY

Boy: Krissy, sana tanggapin ninyong dalawa, sabi mo nga na matagal nang you stopped loving each other, how long ago was this?

Kris: Ako? (Long pause) I acknowledged in my heart naubos talaga yong love April 26 of this year. May nasabi siya sa anak ko, which I will forever keep between the 2 of us. May nasabi siya sa galit namin sa isa’t isa siguro noong panahon na yon na nasaktan talaga ako. At nagpatunay talaga sa akin na this is not the man for me, this is not the man I want to stay with because dinadamay na niya ang 3 years old na bata na dapat protektahan nating dalawa.

Boy: That was the moment na sinabi mo it’s over?

Kris: Di ba may kasabihan tayo the straw that broke the camel’s back? For me, that was it. The love was dying for a very long time, but siyempre Boy, you’ll try. Susubukan mo talaga.

Boy: And you did try, Krissy?

Kris: Diyos ko naman, nambabae pinatawad ko. Ito talaga hindi ko kinaya.

Boy: Mapangahas na tanong. Three and a half years ago, nangyari ang iskandalong may kinalaman si Hope (Centeno), na-resolve ninyo ba ito?

Kris: Never. Of course to all of you, I said yes, di ba? Siyempre Boy, kahihiyan ko yon. Parang pinamukha sa akin na you’re not good enough, kailangan kong maghanap ng iba. So, in my mind and to present to everybody, siyempre gagawin ko na pipilitin ko na wala na yon, napatawad ko na, nakalimutan ko na, pinaniniwalaan ko siya. But the truth is, any woman who is in a relationship, whether boyfriend or girlfriend, whether kinasal kayo, once my infidelity, ang hirap lagpasan noon.

And alam mo, Boy, it goes both ways eh. Kasi magtra-trabaho ako, magkaka-leading man, ibabato sa akin na, ‘O yan, makikipaghalikan ka diyan para mabawian ako.’ Alam mo yong ganoon? Parang he’s expecting the other shoe to drop. Hindi ko inaangat ang sarili ko sa bangko o whatever, but you know me, I’m crazy loyal.

Yon talaga ako. Pag meron na at pag may commitment ako, single minded ako. So, I can honestly say in the 5 years na nagsama kami hindi ako nagloko. I don’t think he can say the same thing.

Boy: Sa limang taon na kayong dalawa ay nagsama, naging loyal ka sa asawa mo?

Kris: Of course!

Boy: Sa limang taon na nagsama kayo ni James, naging loyal ba siya sa’yo?

Kris: Obvious ba, hindi.

MOVING ON

Boy: Umalis ka papunta sa Amerika para magbakasyon. Tumahimik ka, maraming tao ang na-surprise. Pero dumami ang ispekulasyon. Ang mga speculations na naghiwalay si Kris Aquino at si James di umano dahil may nabuntis si James. Ito ba ay totoo o hindi?

Kris: Siyempre, I’ll be the last to know. (Laughs) Kung meron man, kung meron man siyang dina-date ngayon, you honestly think na ite-text niya, ‘Uy Kris, ka-date ko si ano kagabi ha.’ Di ba? Malay ko. And okay lang.

Boy: Nabigla ako doon? (Laughs)

Kris: Why? Okay like this, my Ate (Ballsy) mentioned na napapabalitaan he’s dating somebody already and then I think my Ate was testing the waters with me. And I said, ‘Good.’ Yon talaga. Yon ang opinion kasi we don’t live under one roof anymore so it’s his right. And it will make much easier for the entire country to move on.

Boy: Krissy, how do you react when people say, ‘sana bigyan pa nila ng pagkakataon ang kanilang mga sarili alang-alang sa bata.’ or ‘I hope they can still fight and fix things together as a couple.’ Because that’s the common reaction.

Kris: Kung masama akong ina at alam kong hindi ako iprio-priotize si Baby James, then maybe I would try. But I know in my heart, say what you want to say about me, pero mabuti akong ina, Boy. I think if you look at my children, you’ll know.

They’re happy, they’re well-adjusted, they’re cared for. That’s what matters to me.

FAMILY SUPPORT

Boy: Sa usapin na iyong marriage, nasaan ang iyong pamilya, nasaan ang iyong mga kapatid?

Kris: Feeling ata nila 16 years old ako ulit. Kasi ang mga sisters ko sinabi, si Pinky, she’s the most vocal. So, she told me, ‘Krissy, Ate is just too mabait and she’ll sugarcoat everything so I have to be the bad guy. Please, kung kaya, in the next six years, huwag ka munang mag-boyfriend.’ (Laughs). So, sabi ko. ‘Ah, ok.’ Sinabi ni Pinky na, ‘Fame enough ang hirap nang makahanap ng totoo sa’yo. What more kapatid ko si P-Noy?’ And then sinabi pa niya,’Bigyan mo naman si Noy ng chance na mag-succeed without stress from you.’

Boy: And you said?

Kris: (Laughs) Sabi ko, ‘I’ll try.’ (Laughs)

Boy: I think what people want to know, suportado ka ba ng iyong pamilya? Naiintindihan ka ba?

Kris: They’ve seen the journey. And one thing about me is that I’m vocal so they know. And may sisters acknowledged the fact na bilib sila kung paano ko nadala. At the peak of the campaign, na ganoon ka-bigat ang inuuwian ko. Nadala ko yon na walang nakahalata.

Kung hindi nangyari ang Cebu, Boy, lahat kayo until now walang alam. Kasi nga nagawa ko na itahimik because I did it for them and they know that.

Boy: Naalala ng sambayanan, in one interview of James, I mean ang ikli lang ng kanyang deklarasyon, noong sinabi niya na noong nagkaroon kayo ng deperensiya he went to your brother. At ang sabi ni President, ‘stay put.’ What was that about?

Kris: I was not there. But I’ve said everything to P. Noy. Lahat. And at the end of the day, Boy, the most protective over me and over my kids will always be my brother because that’s the promise he made to our mom. So, kung nakikita ni Noy at narinig ni Noy derecho galing sa akin, lahat ng pinagdaanan at sumuko ako, although talagang siya sinasabi niya, noon, na set aside your own interests kasi kawawa ang mga bata. Pero noong naintindihan na niya ako, siyempre hindi sila natutuwa. Sino ba naman ang matutuwa na ito na naman si Kris na hiwalay na naman. Pero tanggap na nila Boy. I feel that . They know it’s my life. And Noy said as much, ‘It’s your life. We’re only here to guide you, to help you. Pero sana Kristina lessons learned.’ Yon lang ang sinabi sa akin.

Boy: Pinky, Ate, Viel, in the beginning, did they understand where you were coming from? At nasaan sila ngayon?

Kris: They’ve always understood. Ang fear lang nila public opinion. Why? Because public opinion of me will determine how comfortable my sons will be. It’s a fact. I don’t work in a bank. I don’t work in a private industry. Kung ano ang tingin ng publiko sa akin will be equated kung sa ano ang kikitain ko. At ako ang magpapalaki sa dalawa. Responsibilidad ko yon. Lalo na si Josh. I think more than anything, si Josh ang inaalala nila. Siyempre kung hindi magustuhan ng tao ang decision ko at hindi na ako panoorin at hindi na tangkilikin ang mga ini-endorse ko, what happens to us. And they were afraid for my children. But I think, they know I’ve behaved, Boy. I think nakita nila I’ve been prudent and to the best of my ability naging tahimik ako.

Kung sasabihin ng lahat, ‘Naku, umuwi yan para magpasabog.’ Hindi po. Nagsasalita lang ako dahil ang dami ninyong inimbento tungkol sa akin. So, it’s about time for you to hear it straight from me.

INCOMPATIBLE

Boy: And you know what people would say Kris is the domineering wife, Kris is the intelligent one, Kris is a stronger character. When you hear these things….

Kris: It’s true. Alam mo Boy, that’s the good thing about my family. Lalo na si Pinky at si Viel, they would say it like it is. De-deretsahin nila ako. Ang sinabi nila sa akin was that everything that has made you a success sa career mo, that single-minded, the leadership skills, decision making ano talaga firm, those are the things that will make it impossible to have a successful marriage. Why? Dahil ang Pilipinas is still male dominated. Dahil sa country natin talaga, hindi pa din equal pag kasal kayo. And tama sila. Siyempre, I was in love and I didn’t realize all of that. I didn’t take into consideration our age gap, I didn’t take into consideration the difference in upbringing, education, likes and dislikes kasi I was in love. So, now na pinagdaanan na namin lahat yon, get ko na.

Boy: But it’s not to say you didn’t adjust.

Kris: I tried. But then yong naiintidihan ko din ngayon. Kasi before when I used to question na, ‘Bakit kinailangan mambabae?’ Ngayon, nare-realize ko kasi nga siguro minsan kailangan mong maramdaman na ikaw ang hari. And I understand. And I’ve moved on.
Boy: Did you give him time?

Kris: Matagal ha. Matagal kaming… in all fairness, he also tried. I grant that to him, but I guess, Boy, alam mo yong parang I think I came at a time when I did some good in his life. I think I helped give him direction and focus. And he came at a a time when I needed stability. And he gave me Baby James.

Bali-baliktarin natin, balikan natin, kung isusuma tutal natin lahat ng iniyak ko, lahat ng iniyak niya, lahat ng pinag-awayan namin, ang suma tutal niyan is nagkaroon kami ng Bimbi. At burado na lahat ng sama ng loob dahil kay Bimbi.

About rodmagaru

I am a writer, singer, debater, dancer, poet, declaimer, artist, narrator, and actor and recently I discover, I’m a jack-of-all-trades. I never say no when people experiment my capacity to do things that others can do. I give the superb congregation of expectation to people who doubted what I couldn’t do and I always win on convincing them I could.. follow me on twitter www.twitter.com/rodmagaru

Posted on August 3, 2010, in TV HIGHLIGHTS and tagged , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: